DUMAGUETE CITY – Pumanaw na si Dumaguete Vice Mayor Alan Gel Cordova ngayong Linggo ng umaga matapos mawalang ng malay habang nasa charity bike run event na inorganisa ng Philippine Army’s 302nd Infantry Brigade.
Tinangka pa buhayin ng mga doktor sa Negros Oriental Provincial Hospital si Cordova pero nalagutan na ito ng hininga na pinaniniwalaang na na-cardiac arrest na nauwi sa fatal arrhythmia.
Siya ay 53-anyos.
Lumahok si Cordova sa Bike-For-A-Cause sa pamumuno ni Col. Leonardo Peña, commander ng 302nd IBde, at nag-collapse habang nagbibisikleta sa kahabaan ng national highway sa St. Paul University sa lungsod na ito.
Siya at ang iba pang kalahok ay dumating rito galing ng Tanjay City, na nasa 30 kilometro ang layo.
May tatlong anak si Cordova sa kanyang asawa na si Marife Ligon, kagawad ng Piapi sa capital city.
Si Cordova ay isang abogado at nagtapos sa United States Military Academy sa West Point sa Virginia at nagsilbing Philippine Army’s Scout Ranger bago pumasok sa politika.
More Stories
GAS TANKER TRUCK SUMALPOK SA BODEGA, NAGDULOT NG SUNOG; 1 PATAY, 28 NAWALAN NG BAHAY
CICC: SCAMS ISUMBONG SA 1326 HOTLINE (Imbes ilabas ang galit sa social media)
BuCor magsasagawa ng mga aktibidad para sa kanilang ika-119 Founding Anniversary