INANUNSIYO ng Microsoft na magreretiro na ang Internet Explorer, ang browser na nilikha nito higit 25 taon na ang nakalilipas.
Ito’y nang mas piliin ng mga tao ang mga kakompentensiya nito tulad ng Google’s Chrome o Apple’s Safari.
Ayon sa Mircrosoft sa Hunyo 15, 2022 magreretiro ang Internet Explorer at wala nang matatanggap na suporta mula sa kompanya.
“We are announcing that the future of Internet Explorer on Windows 10 is in Microsoft Edge,” saad ng kompanya sa isang blog post nitong Miyerkoles, na ang tinutukoy ang isa pa nitong browser.
“Not only is Microsoft Edge a faster, more secure and more modern browsing experience than Internet Explorer, but it is also able to address a key concern: compatibility for older, legacy websites and applications,” ayon sa Microsoft.
Narito naman ang reaksyon ng ilang netizens sa pagreretiro ng Internet Explorer:
RIP Internet Explorer, I never used it, but after it dies we can’t make fun of it anymore,” ayon sa tweet ni Arcader UwU.
“I still fondly remember how I used it to download Chrome on every new Windows system,” saad ni Hrishikesh Pardeshi.
“This browser might seem old and outdated nowadays, but back in the day, everyone needed it. RIP Internet Explorer 1995-2022,” ayon sa isang TheCool_ColdMan.
Ayon sa Microsoft, gagana pa rin ang Internet Explorer-based websites sa Edge hanggang 2029, ayon sa Microsoft, dahil maraming organisasyon ang mayroong website base sa now-doomed browser.
Kontrolado ng Chrome, Google’s browser ang 65% sa market, ayon sa Statscounder. Habang pumapangalawa naman ang Safari, na nilikha ng Apple at available sa Apple computers at devices, na may 19% market share nitong Abril ngayong taon.
Habang pangatlo ang Firefox na may 3.59% at pang-apat naman ang Edge na may 3.39%.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE