November 24, 2024

P5M HULI SA 5 SUSPEK SA QUEZON

CAMP GUILLERMO NAKAR, LUCENA CITY, QUEZON- Nakasabat sa hindi bababa sa humigit kumulang sa halagang limang milyon piso ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 235.89 gramo sa magkakahiwalay na operasyon ang mga awtoridad ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU) laban sa limang mga suspek na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot noong araw ng Lunes at Martes sa bayan ng Lucena City.

Kinilala ang mga nadakip na mga 1. Juaquinito Ayangco alyas “Juaquin”, 2. John Mark Nepales alyas “Oblaks”, 3. Mary Joe Zorca alyas “Mae”, 4. Romualdo Villanueva alyas “Omal” at si 5. Romualdez Oracion.

Base sa report na ipnadala ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) sa tanggapan ni Calabarzon PRO 4A Regional Director PBGen. Eliseo Cruz, unang nasakote bandang 7:30 ng gabi ng parehong araw si Ayangco sa Purok Little Baguio, Brgy. Dupay matapos na magbenta ng shabu sa isang poseur buyer ng halagang P13.000.00. at nakuhanan ng karagdagan na 2 pcs heat sealed plastic sachet na  mayroong lamang ng mga hinihinalang shabu at timbang na 6 gramo na may halagang P40,800.00. at street value na P122.000.00.

Arestado rin bandang 9:00 gabi sa Purok Narra, Barangay Uno si Napales na nasamsaman ng 2 plastic sachet ng hinihinalang shabu at may bigat na 4.89 gramo ng droga na meron street value na P99.756.00. isang coin purse at ang ginamit na P500.00. buy-bust momey,

Sumunod na nasakote bandang alas-11:00 ng gabi si Mary Joe Zorca sa Brgy 8 at nakuha sa posisyon ng suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet ng mga pinaghihinalaang shabu na meron bigat na 10 gramo at estimated street market value na Php204,000.00.at ang ginamit na Php16,000.00 boodle marked money.

Huli rin sa follow up operation dakong 2:30 ng madaling araw ng Martes sa Brgy. Gomburza St.Peasant Ville Subdivision, Brgy. Ilayang Iyam si Romualdo Villanueva, nakumpiskahan ng 2 piraso ng plastic sachet na may laman ng pinahihinalaang shabu at timbang na 10 grams at street market value na P204,000.00., isang gray coin purse, P10,000.00, boodle marked money at P645 cash money.

Nalaglag din sa kamay ng batas si Romualdes Oracion bandang 8:00 ng umaga sa Sto. Rosario Subdivision, Brgy. Market View  na nasamsaman ng isang Led Light Bulb na naglalaman ng 20 piraso ng mga heat sealed transparent plastic sachet, isang piraso ng digital weighing scale at ang ginamit na boodle marked money.

Sasampahan ng ang limang suspek ng mga kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 sa korte. (Ulat ni KOI HIPOLITO)