November 24, 2024

CARMELA TUNAY, NAGRETIRED NA SA PAGLALARO NG VOLLEYBALL

Inanunsiyo ni dating UST Lady Tigresses volleybelle Carmela Tunay ang kanyang retirement. Ito ang naging pasya ng 25-anyos na player dahil magpo-pokus na siya sa ibang bagay.

“Actually, I’ve told a couple of friends na I won’t play na,” aniya sa The Game.

“I guess, that’s where we’re leading so yes, I’m officially retired. Si Tunay ay naglaro sa UST sa UAAP mula Season 73 hanggang 77.

Naglaro naman siya sa kanyang pro career sa Cignal at Petron bilang open hitter.

“I’ve been focusing on digital stuff as an agent and manager, marketing stuff on the side. Despite letting go of something I’m really passionate about, I’m gonna do something I love din,” saad Tunay, na may hawak kay Myla Pablo.

“Last year, I finished my master’s [degree], and isa ‘yon sa mga hinihintay ko before I say good bye to volleyball.”

Noong 2020, naglaro siya sa Motolite. Pero, hindi ikinasa ng Premier Volleyball League ang torneo. Ito ay dahil sa ongoing COVID-19 pandemic.

Nitong kaagahan ng 2021, itinatag ni Tunay ang Unlimited Athletics Club. Naging host din siya at talent agent. Siya ang host ng ultra popular na Kumu.