November 5, 2024

MIDORI SUPORTADO PANAWAGAN NG CDC SA TAMANG PAGTATAPON NG BASURA SA CLARK

MIDORI SUPPORTS CDC’s CLEAN & GREEN INITIATIVES. Itinurn over ng Midori Hotel and Casino ang 96 set ng basurahan sa Clark Development Corporation (CDC) upang tulungan ang state-owned corporation na makamit nito ang mithiin na mapanatiling malinis at maaliwalas ang Clark. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, umaasa ang CDC at Midori na matuto ang publiko sa waste management at proper waste segregation. Tinanggap ni CDC President at CEO Manuel Gaerlan (ikatlo mula sa kanan) ang nasabing mga donasyon mula kina  Midori Hotel General Manager Vincent Tang (pinaka-kanan) at Midori Casino Manager Emmanuel Aure (ikalawa mula kanan). Nasa larawan din sina (mula kaliwa pakanan) CDC-Assistant Vice President for Administration Ma. Zoraida Camello, CDC- Vice President for Business Development and Business Enhancement Group Rynah Ventura, CDC- Vice President for Administration and Finance Engr. Mariza Mandocdoc at CDC- Vice President for Engineering Services Group Ralph Mamauag. (CDC-CD Photo)

CLARK FREEPORT – Nag-donate kamakailan lang ang Midori Hotel at Casino ng 96 sets ng trash bins sa Clark Development Corporation (CDC) bilang pagtugon sa panawagan ng state-owned corporation sa responsableng pagtatapon ng basura sa Freeport.

Ayon sa CDC, ang mga set ng trash bins o basurahan ay ilalagay sa iba’t ibang bahagi ng zone, partikular sa mga lugar na pinupuntahan ng mga tao. Bawat set ay may color-coded garbage bins upang itaguyod ang wastong paghihiwalay ng mga basura – berde para sa nabubulok, dilaw para sa mga papel at pula para sa plastic at lata. Umaasa ang CDC na sa ganitong paraan ay mahikayat ang mga residente, guests at stakeholder ng Freeport na makasanayan ang tamang pagtatapon ng basura  at upang mapanatiling malinis at maaliwalas ang naturang zone.

Personal na tinanggap ni CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan ang mga ipinagkaloob na basurahan mula kay Hotel General Manager Vincent Tang at Midori Casino Manager Emmanuel Aure. Nagpapasalamat din si Gaerlan sa pamunuan ng Midori sa pagsuporta sa misyon ng CDC na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng Freeport.

Dumalo rin para saksihan ang turnover ng mga donasyon nina  CDC Chief-of-Staff Dennis Legaspi, CDC – Vice President for Business Development and Business Enhancement Group (BDBEG) Rynah Ventura, CDC Vice President for Administration and Finance Mariza Mandocdoc, CDC Vice President for Engineering Services Group (ESG) Ralph Mamauag, CDC- Assistant Vice President for Administration Ma. Zoraida Camello at personnel mula sa Midori.