December 23, 2024

MAY SUSTANSIYA ANG ADVICE NI ENRILE SA PANGULO KAUGNAY SA ISYU SA WEST PHILIPPINE SEA

Umalalay na si dating senador Juan Ponce Enrile kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Ipinahayag ni Enrile ang kanyang payo’t opinyon sa Pangulo sa ‘Talk to the President”. May sustansiya ang sinasabi ng dating Senate President at dating Minister of National Defense.

Palibhasa dahil sa isa ring abogado, alam nito ang dapat mainam na gawin. Diplomasya pa rin ang kailangan. Aniya, walang bansa ang kayang sumagupa sa China sa panahong ito.

kaya, tinuran niya sa pangulo na huwag sayangin ang panahon sa mga kritiko. Na pinoprovoke ng kaibayo na labanan ang China.

Parang batang inuutusan na hawakan ang tainga. Kapag nag-init na, saka na ang laban. Hindi ganun ang dapat solusyon.

Ayon pa sa dating senador, maaari naman maging kaibigan ang China na hindi naiisakripisyo ang interes ng bansa. Huwag daw makikipag-kompromiso sa Amerika dahil marami itong problemang panloob na inaayos.

Wala naman din naman aniyang magagawa ito kahit noon pa. Ganyan katindi ang 97-anyos na dating propesor ng law sa FEU.

Ibinulalas din niya na lumala ang pagkuha ng ilang teritoryo sa West Philippine Sea noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Nabanggit din ang transaksyon ni former senator Antonio Trillanes. Na nakipag-usap umano sa otoridad ng China. Kung saan, binaypass ang embahada ng bansa sa Beijing.

Kamukat-mukat, nawala na sa atin ang Scarborough Shoal at ilang isla.

Isa sa talaga aniyang interes ng China sa WPS ay ang depositong mineral at natural gas. Na dito pala nakasalalay ang suplay ng China.

Milyong tonelada o barrel ang makukuha pala roon. Na kung pababayaan ng China na isusuko, mapipilay ang reserbang nilang langis.

Mainam rin ang payo nito na huwag gawing kontrabida ang China sa mata ng mga Pilipino.

Lalo lang aniya itong makakasama. Lalong magdudulot ng hindi pagkakaunawaan.