Naglunsad ang Philippine National Police nitong araw ng Lunes sa loob ng kanilang National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City ng makabago at pinabilis na sumbungan ng publiko o complaint referral and monitoring system na tinawag din na E-SUMBONG MO, AKSYON KO na gagarantiya sa mabilis na aksyon at pagtugon ng pulisya sa mga reklamo at impormasyon na gustong ipaalam ng publiko na pinangunahan naman ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, kasama ang iba pang mga matataas na police officials.
Ang nasabing proyekto ay isa sa mga prayoridad na programa ni Eleazar simula nang siya ay maupo sa puwesto bilang ika-26th PNP Chief noong May 7, 2021.
Paliwanag ni General Eleazar tungkol sa proyekto “Dito sa ating improved na complaint system, bawat matatanggap na reklamo o hinaing ay ituturing natin na urgent. Dapat laging isaisip ng mga pulis na time is essense tuwing makakatanggap ng tawag o text mula sa ating mga kababayan.”
Ayon pa sa PNP Chief na oras na matanggap ng mga pulis ang reklamo ng ating mga kababayan kailangan ay agad na kumilos ang mga ito at resolbahin na kung dati ay meron mga reklamo na hindi napapansin ay ngayon dapat itong agad aksyonan.
Sinabi din ni Eleazar na dapat ay ituring ng mga kapulisan na ang bawat reklamo na idudulog sa kanilang mga tanggapan ng ating mga kababayan ay direktang utos umano mula sa kanya at agad kumilos para magresponde.
Dagdag pa nito ang ganito “Ito iyong assurance ko sa ating mga kababayan na ang sumbong niyo, eh aksyon ko.” Maaari na umanong mag-file ang publiko ng kanilang mga reklamo, sumbong at panawagan na nangangailangan ng agarang aksyon ng pulisya sa pamamagitan ng kanilang mga PNP official hotlines Smart 091916017-55, Globe 09178475757, Email [email protected], facebook.com/OfficialPNP hotline at e-Sumbong Web Portal; https://e-sumbong.pnp.gov.ph at maari din gumamit ng bar code na puwedeng mag-scan bago magreport gayun din ang iba pang mga social media platforms ng PNP. Layunin din aniya ng makabago at pinagandang mga gagamiting komunikasyon na ito ay ang patatagin ang ugnayan ng publiko sa ating mga kapulisan upang maibalik ang kumpiyansa at tiwala ng tao para na rin makasiguro na mas magiging mapayapa at maayos ang bawat komunidad. (Koi Hipolito)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE