Isa sa pinangalanan si Paul Pierce na kasama sa 2021 Basketball Hall of Fame. Gayundin si 2-time NBA champion Chris Bosh.
Inanunsiyo ito sa mismong pagluklok kina Kevin Garnett, Kobe Bryant at Tim Duncan sa Naismith Memorial.
Si Pierce ay naglaro sa Boston Celtics ng 15 seasons sa kabuuang 19 seasons nito sa NBA. Nakapagkampeon noong 2008 sa NBA Finals kontra LA Lakers.
Si Bosh naman ay nagkampeon sa Miami Heat noong 2012 at 2013. Kasama rin sa inductees si 5-time All-NBA selection Chris Webber.
Gayundin si 4-time Defensive Player o the Year na si Ben Wallace.
Kasama rin sa inductess si Boston Celtics great Bill Russell. Naging bahagi si Russell sa 11 championships ng Boston.
Nakabilang ito noong 1975 sa Hall of Fame bilang player. Ngunit, pararangalan uli bilang coach.
Una siyang naging black head coach sa NBA history. Naqging playing coach siya sa kanyang final three seasons sa Celtics.
Kung saan, nakasungkit ang team ng NBA titles noong 1968 at 1969.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo