Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos mabisto ang kanilang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na face mask sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong mga suspek na sina Louis Prince y Locos, 22, construction worker, at Marco Gonzales, 21, kapwa ng Area D, Camarin, Brgy. 177.
Ayon kay Col. Mina, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng Zabarte Rd., corner Mahogany St. Ceilito, Brgy. 177 dakong alas-9:30 ng gabi nang maispatan nila ang mga suspek na gumagala at kapwa walang suot ng face mask.
Nang lapitan at sitahin, mabilis na tumakbo ang mga suspek kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at nang kapkapan, nakuha sa kanila ang tig-isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 0.9 grams ng hinihinalang shabu bawat isa na tinatayang nasa P12,240 lahat ang halaga.
Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
ANG PHARMALLY QUEEN AT ANG KATAHIMIKAN NG COMELEC
ICC, inutusan ang prosekusyon na isumite ang ebidensya laban kay Duterte bago ang Hulyo 1
MAHIGIT P1 TAAS-PRESYO NG PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO ASAHAN NA