NATUKOY ng Quezon City government ang mas marami pang COVID-19 cases dahil sa pinaigting nito na testing at contact tracing efforts.
Ayon sa kamakailang ulat ng OCTA Research Group, ang average na bilang ng mga bagong kaso bawat araw sa lungsod ay nasa 420 para sa linggo ng Mayo 4 hanggang 10. Nagresulta ito sa reproduction number 1.02 at positivity rate na 15%.
Gayunpaman, tiniyak ni QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang mga residente na ito ay dahil sa pinaigting na testing efforts ng QC para mas mapadaling mahanap ang mga residente na may COVID-19.
“Over the past weeks, our numbers are on a downward trend but the decrease has been slow. While we are treating and isolating confirmed cases in order to mitigate the spread, we also expanded our testing which determines not just symptomatic patients but also asymptomatic ones,” ayon kay Mayor Belmonte. “This intensified effort led to the enlistment of more active cases in the city,” dagdag pa niya.
Paliwanag ng city mayor na ito ay mas epektibong pamamaraan para matukoy at ma-isolate ang mga nahawa at mas mainam na raw malaman ang totoong bilang keysa hindi matukoy ang mga tinamaang residente ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, nagtayo ang Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng siyudad ng 22 community-based testing sites na nag-o-operate tuwing Lunes hanggang Sabado mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
Binuksan din ng CESU ang online booking process nito para sa mas mabilis na appointment ng schedule sa mga symptomatic, kasama na ang close contact at iba pang priority individuals gayundin ang mga sasailalim sa medical procedures, dialysis patients at buntis.
Gumamit din ang siyudad ng kombinasyon ng rapid Antigen test at RT-PCR rest para matukoy ang positive cases.
Dalawa ring mobile-testing trucks para sa community testing ang ginagamit naman sa lockdown ares at iba pang malalayong barangay.
Nagsasagawa ang siyudad ng halos 3,026 test kada araw. Kung minsan umaabot pa ito ng 4,000 kada araw.
Bukod pa rito, pinalawak pa ng siyudad ang KyusiPass app nito upang suportahan ang kanilang contact tracing activities.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY