Labis na ikinalungkot ni WWE at Monday Night RAW ace Kevin Owens ang pagpanaw ng lolo ng kanyang asawa; at nakuha na lamang na panoorin ang funeral nito via Zoom call. Pumanaw ang lolo ng esposa ni Owens dahil sa Coronavirus.
Inihayaga din ng 36-anyos na Canadian wrestler ang labis na pagdadalamhati ng kanilang pamilya sa social media; kung saan nagpost siya ng video sa kanyang Twitter account na may 1.2 million followers.
Dahil sa insidente, pinayuhan at pinaalalahanan ni Owens ang kanyang mga supporters na dapat laging magsuot ng face mask at gawin ang social distancing.Sa gayun, marami ang maprotektahan at maligtas sa kumakalat na sakit.
Aniya, huwag gawan ng katatawanan ang kasalukuyang sitwasyon at irespeto ang mga nagkasakit. Unawain sa halip na pandirihan.
“A little over a month ago, my wife lost her grandfather to Covid-19, and it was awful to see it happen. He was a sweet, kind man,” emosyunal na pahayag ni Owens.
“And while he was elderly, he was taken too soon from us because if it wasn’t for this virus, he’d still be here.”
“Seeing her go through that, seeing her family go through it, it was just so terrible.We got to watch his funeral on Zoom. We had to see the effect it had on her mother, my mother in law wasn’t able to give her Dad a proper goodbye,” aniya.
Nagpahayag naman ng pakikiramay at simpatiya ang mga fans ng wrestler sa nangyaring trahedya sa kanilang pamilya.
“Sorry for your family’s loss. Keep going and fantastic words,” pahayag ng fans.
“Well said. Respectfully handled. Great message all around. Just another example of KO being a good human being.”
“Sorry for your family’s loss and thank you for spreading the word of the importance of wearing a mask,” comment pa ng isang fans.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!