INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na “pure campaign joke” ang kanyang pangako noong 2016 na sasakay sa jet ski papuntang Spratlys at itatanim doon ang watawat ng Pilipinas para bawiin ang teritoryo ng ating bansa na inaangkin ng China.
“Nagpa-plot ako kung saan ako magdaan… Ilan tangke ng jet ski? Pagtingin ko puro dagat wala ako makita gasoline station along the way, mahirap ito, dito tayo mamatay ng walang kakwenta-kwenta,” saad niya.
Panahon sa kampanya yan, at saka yung biro na yun, yung bravado, yung bravado ko pure campaign joke at kung naniniwala kayo sa kabila pati na si Carpio, I would say that you are stupid,” saad niya.
Ang tinutukoy ni Duterte ay sa dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na isa sa pinakamaingay na kritiko sa kanyang China policy. Una nang hinamon ng debate ng Pangulo si Carpio sa West Philippine Sea noong nakaraang linggo pero umatras ito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY