November 24, 2024

PFIZER BAKUNA DUMATING NA

Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility.

Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi.

Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay sina testing czar Sec Vince Dizon, DOST Sec Fortunato dela Peña, Cabinet Sec karlo Nograles, DOH Undersecretaries Leopoldo Vega Vega at Deped Usec Carolina Vidal-TaiñoTaiño, US Embassy Charge d’affaires John Law, WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe at Unicef Phils deputy Rep. Behzad Noubary.

Naging mabilis naman ang paghahatid sa mga bakuha patungo sa espesyal na storage facility sa Marikina.

Sinasabing mga piling lugar mula sa Pilipinas ang makakatanggap ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa Department of Health (DOH) kabilang na sa unang mabibigyan ng Pfizer vaccines ay ang National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Cebu at Davao.

Paliwanag ni Usec. Vergeire, ang desisyon para sa limitadong distribusyon ng Pfizer vaccines ay dahil sa sensitibo nitong cold storage requirement.

Nangangailangan kasi ng hanggang -70 degree Celsius ang temperatura sa pag-iimbak ng nasabing bakuna.

“Dahil ito yung mga subok at napatunayan natin, base on simulation activities, na yung ultra low freezer at handling nila ay makakaya at hindi tayo magkakaroon ng wastage.”

Sinabi naman ni Vergeire, hindi naman maaapektuhan ng padating na supply ng Pfizer vaccines ang rollout ng pamahalaan sa mga bakuna.

“For these vaccines that we have na marami sa ngayon, ibibigay na natin agad dito sa priority groups of population.”

Aabot na sa higit 7.7-million doses ng COVID-19 vaccines ang hawak ng Pilipinas mula nang mag-umpisa ang vaccine rollout noong Pebrero.

Bukod sa bakuna ng Pfizer, ginagamit na ng gobyerno ang COVID-19 vaccines ng Sinovac, AstraZeneca, at Gamaleya Research Institute na Sputnik