November 24, 2024

PSC, NILINAW ANG ISYU KAY EUMIR FELIX MARCIAL: “MONTHLY NAMIN INAAYOS ANG ALLOWANCE NYA!”

Ibinulalas ni Eumir Felix Marcial na naging mabigat sa kanya ang training para sa olympics. Tila ayaw ma home sick ni Marcial.

Ayon pa kay Marcial, napakahirap sa kanya noon ang manatili sa Amerika sa loob 7 buwan. Kung saan, nasa Los Angeles siya upang mag-obserba sa Team Pacquiao.


Kung kaya, sa halip na sumali sa Philippine boxing team sa bubble training sa Thailand ay umatras ito.Mas piniki nitong umuwi sa hometown niya sa Zambonga upang makapiling ang pamilya.

At ang rebelasyon pa niya, pinabayaaan siya ng PSC. Aniya, hindi sya nakatatangap ng financial support sa Philippine Sport Commission.

” Napapagod na akong sabihin sa kanila ang pangangailangan ko,” ani Marcial sa Radyo Singko 92.3 FM.

” Ayoko ko nang magsalita pa tungkol sa isyu. Gusto kong magfocus sa olympic training. Distractions lang sila sa akin,” aniya.

Nilinaw naman ni PSC Chairman Butch Ramirez na hindi nila naikasa ang bankroll ang US trip ni Marcial. Di gaya nina olympic qualiriers Hidilyn Diaz, Ernest John Obiena at Carlos Yulo.

Ang mga nabanggit ay nagsasanay sa ilalim ng PSC tab. Sinabi naman ni PSC executve director Guillermo Iroy na yun nga ang nangyari.

Hindi nila ginugulan ang US trip ng boxer dahil hindi ito in-endorso ng ABAP. Inutosa dsin ng ABAP na magsanay sa Marcial sa bubble sa Laguna at sa Thailand.

NIlinaw ng PSC na hindi sila huminto sa pagbibigay ng monthly allowance ng boxer na P43,000. Gayun ang P30,000 na ayuda rito bilang enlisted personnel ng Philippine Air Force.

Tumutol naman ang ABAP sa desisyon ng boxer na hindi tumulak ng Thailand. Dahian ni Marcial, kung sasama siya sa trip, hindi niya makikita ang pamilya hanggang sa matapos ang olympics.

Noong nasa US kasi siya, namatay ang kanyang kuya at nagkasakit ang kanyang ama. Kaya, nagkaroon siya ng mental exhaustion.