Pumanaw na si Oscar Yoshihiro “Oskie” Santelices na isang sports greats ng University o the Philippines (UP). Namayapa si Santelices kaninang alas 1:05 ng madaling araw sa edad na 59-anyos.
Ang dahilan ng kanyang pagpanaw ay dahil sa COVID-19. Ipinost ng kanyang asawang si Gwen sa Facebook account nito ang pagkamatay ng mister.
Naglaro noon si Oskie sa University o Santo Tomas. Pagkatapos ay naging bahagi ng faculty staf matapos ang kanyang collegiate days.
Kalaunan, kinuha siyang coach ng UP table tennis teams. Kung saan, naging Varsity Ofiice’s Director siya sa loob ng 6 na taon.
Noong UAAP Season 80, pinarangalan si Oskie bilang bahagi ng league’s great athletes. Ibibigay ang gawad sa kanya noong openig ceremony ng season.
Naulila naman niya ang kanyang maybahay at dalawang anak na sina Jolo at Nigel.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo