November 24, 2024

LVPI. HINIHINGI ANG $80,000 REFUND SA FIVB

Hiniling ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) sa International Volleyball Federation (FIVB) na i-refund ang $80,000. Ang nasabing halaga ibinigay nila kaugnay sa conditions na inilatag ng asosasyon.

Ito’y bilang kapalit ng full recognition sa sport’s world governing body ilang taon na ang nagdaan.

Kaya naman, dinimand ni LVPI President Joey Romansanta na ibalik iyon sa kanila. Kaya nagpadala sila ng sulat kay FIVB President Dr. Ary Garcia.

Ito’y may petsang May 4 at sinabi ni Romansanta na pina-follow-up nila ang previous letters ng samahan. Kabilang na ang petsang January na nagre-request ng gayun ding kahilingan.

“The LVPI was able to comply and honor its obligation commensurate to a perfected contract in which we deemed proper to rectify the injustice done to LVPI by FIVB.”

“The non-refund of FIVB will further add to the unfairness we suffered in supporting the programs in upgrading Philippines volleyball as well as AVC and FIVB events,” saad ni Romasanta.

Sinabi rin ni Romansanta na hindi nila sinasapawan ng eksena ang bagong tatag na Philippine Volleyball Federation (PNVF). Pero, hinihiling nila ang para sa kania sapol nang maging balikat ng volleyball sa bansa noong 2015.

“In the interest of fairness and justice, isoli naman nila sa amin yun. Unfair naman na ginawa na natin magagawa natin to revive Philippine volleyball pagkatapos ganun na lang,”aniya.