TAGAYTAY CITY, CAVITE – Sugatan ang isang policewoman ng Tagaytay City police station matapos na palakulin sa ulo ng isang suspek na hinihinalang meron problema sa pag-iisip sa Brgy. Crossing Mendez East ng naturang bayan, hapon ng Martes.

Ang biktima ay si Patrolwoman Geraldine Prado, habang ang suspek naman ay si Dennis Fenol, na kapwa residente sa parehong lugar.
Batay sa inisyal na report, bandang alas-3:30 ng hapon naglalakad umano ang biktimang pulis galing ng isang patahian ng damit nang lapitan at hatawin ng dalang palakol ng suspek sa ulo dahilan para magtamo ito ng sugat.
Agad naman dinala sa Ospital ng Tagaytay ng mga residenteng nakakita sa insidente ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na sa kanilang bahay habang pansamantalang nakakulong ngayon ang suspek sa Tagaytay City Lock up cell at hinihintay ang utos ng korte para dalhin ito sa Mental Hospital. (Koi Hipolito)
More Stories
BUGOK NA PULIS, NANAKOT AT NANAKIT — QCPD CHIEF DAMAY SA TANGGALAN
“TINAPAYAN, BINAHIRAN NG DUGO! 7 PATAY SA ANTIPOLO MASAKER”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”