NABAKUNAHAN na nitong Lunes si Pangulong Rodrigo ng Sinopharm COVID-19 vaccine.

Mismong si Health Sec. Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna sa 76-anyos na lider.
“I feel good, and I’ve been expecting this shot, this vaccination a long time ago,” saad ni Duterte matapos mabakunahan.
Una rito, sinabi ni Sen. Bong Go na maaring magpabakuna ang Pangulo ng Chine-made jab ayon sa payo ng kanyang doktor.
Sa ngayon ay hindi pa awtorisado bilang emergency use sa bansa ang Sinopharm COVID-19 vaccine, ito ay nabigyan pa lamang ng “compassionate use” permit ng Food and Drug Administration
Noong Marso, sinabi ng FDA na nag-apply ang Sinopharm ng emergency use authorization sa Pilipinas.
More Stories
HAMON KAY PASIG BET ATTY. SIA: KANDIDATURA IATRAS (Matapos ang mahalay na joke sa mga single mom)
KOREANO NA WANTED SA FINANCIAL FRAUD TIMBOG SA NAIA 3
BASTOS NA RUSSIAN VLOGGER ARESTADO SA PANGHAHARAS NG MGA PINOY SA BGC – BI