Nababanaag na natin ang pag-asa na makabangon mula sa epekto ng COVID-pandemic. May iang dumating na bakuna sa bansa. Nabakunahan na ang iba.
Ngunit, kinakapos. Dumating na rin ang ilang vaccine galing Russia na Sputnik V. Gayundin ang iba. Gayunan, kailangang mag-ingat ang publiko sa pekeng bakuna sa merkado.
Sasamantalahin kasi ito ng mga ganid na mga kapitalista. Na ang gusto ay magkamal lang ng salapi. Kaya huwag basta-basta bumili.
Habang nakatutok ang kinauukulan sa pagharap sa problemang dulot ng virus, dapat din tayong kumilos.
Hindi sa lahat ng oras ay magagawa nila ang kanilang obligasyon.
Tao lang din sila na napapagod at nagkakamali. Sundin natin ang tama at huwag nang silipin ang mga mali. Sa halip, paalalahaan sila at huwag upatin.
Sa halip na upatin ay dapat unawain at tulungan. Tumulong kung may kakayahang tumulong. Yan ay sa abot ng iyong makakaya.
Kaya nagsulputan ang mga community pantry. Kumuha ka ng kapos ka ayon sa iyong kailangan lang.Huwag labis na nagmimistula kang ganid.
Maging positibo lang tayo sa pagharap sa hamon ng buhay. Para sana pa’t luluwag din ang sitwasyon. Humingi lang tayo ng tulong at awa sa Maykapal.
Makababangon din tayo, kabayan. Basta manalig lang tayo at patuloy na lumaban.
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino