Matapos ang pagkaantala, dumating na sa Pilipinas ang unang batch ng bakuna ng Sputnik V ng Russia.

Lumapag sa Maynila ang initial shipment ng 15,000 bakuna sa Maynila nitong Sabado ng hapon.
Sinalubog naman ito ng piling task force officials kasama sina Vaccine czar Carlito Galvez Jr at Health Secretary Francisco Duque III, gayundin si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov.
Noong April pa sana dumating ang mga bakuna ng Gamaleya Institute ng Russia pero naantala dahil sa logistical issues.
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA