November 23, 2024

ONLI IN DA PILIPINS!

DITO  lang sa Pilipinas maraming kabalbalan ang kinukunsinte kaysa kinakastigo.

Sa hanay ng mga mambabatas sa Upper Chamber ng Kongreso sa kasalukuyan, sa ‘Pinas lang mas maingay ang minorya kesa mayorya.


Ang minority lang ang makakapal ang apog na baluktutin ang totoo sapaw ang mas lamang sa numero.


Sila rin ang hayagang tagapagtanggol sa mga kalaban ng pamahalaang kinabibilangan nila. Partikular dito ang pagkampi sa mga pesteng makakaliwang pulahan na pahirap sa bayan.


Sila din ang malayang tumawag ng estupido sa isang taga- gobyerno na nagtatrabaho lang para sa bayan pero pag ibabalik sa kanila ang maanghang na  salita ay magsisisigaw na hindi na raw iginagalang ang kanilang institusyon.


Saan ka makakakitang Senado  na ipapatanggal nila ang pondo ng isang task force na may misyong  tatapos  sa higit 50 taon nang insurgency sa kanayunan gawa ng mga teroristang pulahan. Nakahatak pa ng bilang ang mga putek na salot sa lipunang dilawan.


Dito lang nagka-Senador na ipinagmalaki ang 24 na taon  na niyang nagtulog lang sa posisyon, na noong panahon nila ay nanamantala ng para kay Juan pero sa kasalukuyang Chamber ay sumakabilang-buhay este bakod ang kanyang hanay at pumapel na opososyon kaya puro banat sa administrasyon ang ginawa.Kinalimutan na ang obligasyon sa bayan.


Dito lang sa Pilipinas na ang media na dapat ay ‘exponent of country’s progress’ ay ang mga pesteng salot ang kanilang binabanderang bentang balita. Palaging ang oposisyon  ang kanilang hina- highlight para siraan ibagsak ang gobyerno.


Sila rin ang nagdarasal na matigok ang kasalukuyang Pangulo kahit napakalapit na ng eleksiyong Pampanguluhan.


Alam kasi nila no- match sila sa balota.


Dapat nang mawala sa susunod na August Chamber ang mga ganitong uri ng halal ng bayan walang ginawa para sa kapakanan ng taumbayan dahil puro pamumulitika ang  ginawa,anim na taong singkad iyan.


Kilalang – kilala nyo na sila mga kakorner.Huwag na natin silang ibalik sa poder.


Ilagay natin ang mga karapat-dapat.Huwag na iyong mga pamilyar lang na pangalan sa pulitika,sikat lang na celebrity, mambabatas na mambubutas lang ng silya sa plenaryo,makakaliwa, tutulug-tulog ,mga trapo,ibasura ang mga balimbing at itanghal ang mga may dangal. Marami sila,kailangan lang maihalal.


Kapag iyong mga karapat-dapat lahat ang mga naluklok sa Senado,magbubunyi ang sambayang Pilipino. Doon ay maipagmamalaki na natin..ONLI IN DA PILIPINS!