NILUNSAD ng Navotas ang NavoSchool-in-a-box para masiguro ang tuloy-tuloy na access sa edukasyon ng mga batang Navoteño.
Ipinamahagi ng City Schools Division Office (SDO) ang mga box sa piling mga magulang ng mga mag-aaral na naka-enrol sa kindergarten, grade 6, at grade 8 level sa Bagumbayan Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, at Navotas National High School.
Ang mga box ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, activity sheets, at school supplies. Ang mga box para sa mga kindergarten pupil naman ay may kasamang hygiene kits at mga laruan na donasyon ng Philippine Toy Library at iba pang pribadong organisasyon.
Sa June 30-July 3, magsasagawa ang mga guro ng nabanggit na mga paaralan ng simulation ng distance learning classes sa pamamagitan ng online messaging app o text message.
Ang mga magulang ang gagabay sa kanilang mga anak para magawa ang mga takdang aralin at makamit ang mga hinahangad na learning competencies. Magpapasa sila ng mga actual output ng kanilang mga anak at pagtatasa ng module tuwing lingo.
Samantala, ang mga guro ay parating makikipag-ugnayan sa mga magulang para ma-monitor ang pagkatuto ng mga bata at kung mayroon silang mga suliranin.
“Base sa survey na isinagawa ng ating SDO, napag-alaman natin na karamihan sa ating mga estudyante ay may access sa cellphone at mobile data. Ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang ating education stakeholders na pinakamainam gamitin ang modified modular distance learning approach,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Sa pamamagitan ng NavoSchool boxes, masisiguro natin na hindi magiging hadlang ang pandemya ng COVID-19 sa pagkaroon ng access sa edukasyon. Umaasa rin tayo na dahil sa palagiang interaksyon, mas mapabubuti at mapatitibay ang relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak,” dagdag niya.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pamamagitan ng Special Education Fund, ay naglaan ng P11 milyon para sa pagbili ng 49,000 NavoSchool-in-a-box. .
Ayon kay OIC Schools Division Superintendent Dr. Alejandro Ibañez, plano nilang ipamahagi ang mga box dalawang ingo bago ang opisyal na pagbubukas ng pasukan sa August 24.
(JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY