SUMUKO na sa mga awtoridad si Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam, ayon sa pulisya.
Ayon kay Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, director ng Criminal Investigation and Detection Group, naka-hospital arrest ngayon si Cam, sinampahan ng kasong murder Department of Justice noong Abril 16 kaugnay sa pagpatay kay Butuan vice mayor Charlie Yuson III noong 2019.
Nang ma-admit sa ospital si Cam ay inutusan nito ang kanyang security detail na makipag-ugnayan sa awtoridad para sa kanyang pagsuko.
Aniya sa isang ospital na sa Calabarzon nila isinilbi ang warrant of arrest.
“May medical concern so hindi din siya basta maaalis. So sinerve natin doon tapos pending sa medical condition niya saka natin siya dadalhin sa Crame or kung saan siya pwede ilagay na custodial area,” saad ni Ferro.
Si Cam ay naiulat na dalawang linggo na sa ospital at naka-iskedyul para sa operasyon sa lumbar spine sa susunod na linggo. Naisumite na sa korte at pulisya ang kanyang medical records.
Noong Lunes, naglabas na ng warrant of arrest ang isang korte sa Maynila laban kay Cam at sa anak nitong si Marco Martin kaugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson.
Pinagbabaril at napatay si Yuson habang nag-aalmusal sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9, 2019.
Tinalo ni Yuson ang nakakabatang Cam noong 2019 local elections.
Naninindigan naman si Cam na wala siyang kinalaman sa pagpatay at aniya haharapin niya ang kanyang kaso.
Ipinaaaresto din ng korte si Batuan Vice Mayor Nelson Cambaya at apat iba pa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY