November 23, 2024

‘POLITICIANS’, HUWAG MAGPA-PAMPAMS SA COMMUNITY PANTRIES

Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Ang buhay nga naman, medyo bumagal na naman. Pakiwari natin, 50 percent ng 50 percent ng new normal. Batay sa inihayag kahapon ng Pangulong Duterte sa idinaos na pulong, inilabas nito ang ordinansa simula sa Mayo.

Isasailalim sa MECQ ang NCR at kanugnog lugar nito mula May 1-14. MGCQ naman sa ilang lugar sa Luzon at Visayas at Mindanao. At GCQ sa Region 6 at 9.

Ito ay upang mapababa pa ang risks ng hawaan at paglobo pa ng kaso ng virus. Gayunman, isinalaang-alang din ang pagpapasigla ng ekonomiya.

Nabanggit din sa pagpupulong na darating ang supply ng ilang doses ng bakuna sa June.

Speaking of Community Pantry (CP), may babala ang DILG sa mga politiko. ‘E selling like hotcakes kasi ngayon ang CP. Baka samantalahin ito ng iba sa pagpapa-epal o pagpapa-pampams.

Lalo na’t ilang tulog at hilik na lang ‘e amot simoy ng election na. Di ba, excited ang iba? Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, huwag nang makisawsaw ang mga repapeks natin sa pantries.

Baka kasi umepal sila at magdonasyon. Tapos, nakabalandra ang mukha’t pangalan nila sa packaging. Di ba, simpleng ‘selling a drama’? Maliwanag na simpleng pangangampanya. Baka maglagay sila ng posters, tarpaulines at billboards kaaakibat ng donasyon nila sa mga pantries.

Magpapabango sila para makapogi points sa madla. Mamimigay ng pera? Aba, lalong hahaba ang pila.

Pag ganyan ang siste, hindi na masusunod ang health and safety protocols. Kapag ganyan, baka ipasara nila ang mga pantries. Pero, ito ay panawagan sa mga organizers ng community pantries. Kaya, dapat makipag-ugnayan sa kanilang alkalde o LGU’s.

Naku, dito na ngayon papasok ang kuwan… alam nyo na. Tumulong na lang ang LGU’s sa kaayusan ng community pantries. Huwag nang haluan ng pamumulitika.

  .