Kinilala ni Senator Christopher “Bong” Go ang sakripisyo at walang pag-iimbot na servisyo ng mga health workers na humaharap sa COVID-19 pandemic kasabay ng paglulunsad ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital (CPH) sa Carcar City, Cebu noong Martes, Abril 27.
Ang CPH ang pang-anim na ospital sa Cebu na nagtatag ng sarili nitong Malasakit Center bukod sa Eversley Childs Sanitarium & General Hospital sa Mandaue City, Vicente Sotto Memorial Medical Center at St. Anthony Mother and Child Hospital sa Cebu City, Lapu-Lapu City District Hospital, at Talisay City District Hospital.
Ayon kay Go, chairman ng Senate health and demography committee, nagpapasalamat siya at si Pangulong Duterte sa mga frontliner sa Region 7.
|Binanggit din niya ang mga doktor at nurse sa Cebu na nagboluntaryong naglingkod sa Metro Manila na labis na apektado ng coronavirus disease (COVID-19).
Tinyak ni Go na patuloy niya at ng Presidente na susuportahan ang mga healthcare workers.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY