NAGBABALA si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Lunes na ang mga komunistang-teroristang samahaan ang makikipabang kapag inalis ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Inilabas ni Dela Rosa ang babala matapos isulong ng kanyang mga kasama as Senado na zero-budget sa NTF-ELCAC sa susunod na taon.
“So, hindi ako sang-ayon doon na i-defund ang (NTF-)ELCAC dahil kung gagawin natin ‘yun, alam mo kung sino makikinabang d’yan? Ang CPP-NPA-NDF,” saad niya patungkol sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Una ng sinabi ng Malacañang na sa P19 bilyong pondo ng NTF-ELCAC, P16 bilyon dito ay inilaan para sa development project sa mga barangay na hindi kontrolado ng mga rebelde.
“Sasabihin ng mga taumbayan doon na nakatira sa mga cleared barangays na naghihintay, nag-aabang na dumating yung kanilang mga barangay development programs, sabihin nila ‘itong gobyerno na ito walang isang salita. Mabuti pa bumalik na lang tayo sa NPA.’ So, sino makikinabang? Yung NPA, ‘di ba?” paliwanag ng dating PNP chief.
Nag-ugat ang panawagan na tanggapan ng pondo ang NTF-ELCAC dahil sap ag-red-tag sa mga organizer ng community pantry, lalo na kay Ana Patricia Non, ang nagbuo ng Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.
“Hindi po tama. Para sa akin ay wrong move ‘yun (defunding)…dahil dapat i-separate natin ‘yung personality ni Parlade bilang isang anti-communist at ‘yung National Task Force-ELCAC bilang isang ahensya ng gobyerno na very effective in gaining grounds against the CPP-NPA-NDF,” ayon kay Dela Rosa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY