NATAGPUANG patay at naliligo sa sariling dugo ang isang babae matapos magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nasa loob ng kanyang minamahenong sasakyan sa Calamba, Laguna.
Ayon sa Calamba police, kinilala ang biktima na si Jang Lucero, 34, na suma-sideline bilang tagahatid ng pasahero gamit ang kanyang kotse matapos mawalang ng hanapbuhay dahil sa lockdown.
Sinisilip na rin ng imbestigador ng pulisya ang social media na posibleng makalutas sa kaso ng pagpatay sa naturang lady driver.
“Napakagandang simulan ‘yung pag-i-imbestiga ng kanyang account,” ayon Laguna police chief Lt. Col. Gene Licud.
Habang labis naman ang pangungulila ng kanyang mga kaanak at kaibigan.
“Ang sakit… yung mga alaala naming dalawa [kapag] maalala ko, masakit,” emosyunal na tugon ni Angela Lucero, ina ng biktima.
Pasado alas-10:00 ng gabi noong Linggo nang matagpuan ang katawan ng biktima na tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa isang madilim at madamong bahagi ng Bypass Road sa Calamba.
Ayon sa kwento ng pamilya Lucero, nagpaalam pa ang kanilang anak na maghahatid ng tatlong pasahero mula Laguna papuntang Gil Puyat sa Metro Manila.
Matapos ang ilang oras, tinawagan pa raw ang kanilang anak upang kamustahin pero laking gulat na lamang nila na pulis na ang sumagot ng telepono ng biktima. Doon na sila pinapunta sa presinto upang kumpirmahin ang nangyari sa kanilang anak.
“Wala akong naaalala na may nakaaway siya before o ngayon,” ani Meyah.
Wala raw nawala sa mahahalagang gamit ni Jang tulad ng kaniyang dalawang cellphone.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
(FELIX LABAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA