December 25, 2024

3 TULAK NG DROGA ARESTADO SA CAVITE

Dasmarinas City, Cavite-  Kalaboso na ngayon ang tatlong suspek na mga nagtutulak at nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng magkasanib na puwersa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) ng Cavite Provincial Police Office at ng  Dasmarinas City police station bandang 11:00 ng gabi nuon biyernes sa Brgy. Datu Esmael ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina 1. Salik Mapandi, 33, Akmad Lipuga, 48, Pisigue Lipugay, 46 anyos at pare-parehong mga residente ng naturang bayan.

Base sa ipinadalang report sa opisina ni Cavite Provincial Police Director PCol. Marlon Santos, nakipagtransaksyon ang mga suspek sa isang police na nagpanggap na poseur buyer na bumili ng isang pakete ng shabu sa halagang sampung libong piso (P10,000.) at nang maibot na ang droga ay agad ng inaresto ng mga pulis ang mga suspek at nakuha sa posisyon ng mga ito ang karagdagan na 3 piraso ng medium size plastic sachet na meron laman ng mga pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang na 15 gramo at meron estimated market value na P137,600.00. at ang ginamit na boodle marked money.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Violation of sec 5 (Selling of Illegal Drugs) at sec.11 (Possesion of Illegal Drugs)  ng RA 9165 ang mga nakakulong ng mga suspek. (Ulat ni KOI HIPOLITO)