November 24, 2024

‘JUKEBOX KING’ VICTOR WOOD PUMANAW NA

Buhos ang pakikiramay ng maraming fans sa pagkamatay ng isa original Pilipino music (OPM) icon Victor Wood dahil sa COVID-19 complications.

Pumanaw ang tinaguriang “Plaka King” sa edad na 74-anyos.

Mismong ang maybahay nito na si Nerissa Wood ang nagkumpirma sa pagkamatay ng jukebox singer sa New Era General Hospital sa Quezon City.

Ayon sa ginang, bumaba ang oxygen level ng singer kagabi.

Nagpasalamat naman ito sa mga nagpaabot ng pagmamahal sa kaniyang asawa kasama ang Iglesia ni Cristo community dahil sa pagtulong sa kanila.

Samantala, kanya-kanya naman nang pagbabalik tanaw ang maraming fans sa mga awitin noon ni Wood.

Ipinangak siya noong February 1, 1946 sa Buhi, Camarines Sur.

Liban sa pagiging singer, ito rin ay isang actor at politiko kung saan tumakbo ito sa pagka-senador noong taong 2007.

Si Victor Wood ay sumikat sa ilang mga awitin tulad ng “In Despair,” “Mr. Lonely,” “I’m Sorry My Love,” “I Went to Your Wedding,” “Fraulein,” “Eternally,” “Carmelita,” at marami pang iba noong taong 1970.