PINUNA ng mga labor groups ang panukala ng Philippine National Police (PNP) na isama ang national police clearance bilang requirement sa mga transaksyon sa Department of Labor and Employment.
Para kasi sa pinakamalaking unyon ng mga manggagawa, ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), banta ito sa industrial peace.
Sa isang pahayag, sinabi ng ALU-TUCP, ang pagre-require ng police clearance sa mga manggagawa sa pakikipagtransaksyon sa DOLE ay isang karagdagang bureaucratic layer ng gobyerno na dagdag-gastos at pasakit lamang sa mga manggagawa.
“From the looks of it, the proposed police clearance in DOLE transactions would further delay the injustice among aggrieved workers and would drive away those seeking redress in DOLE’s conciliation, mediation and dispute resolution and workplace inspection processes and many other services of DOLE and its attached agencies,” ayon kay ALU National Executive Vice President Gerard Seno.
Sa halip na mangangailangan ng clearance ng pulisya sa mga transaksyon sa DOLE, iminungkahi ni Seno sa PNP na pagsamahin ang local police clearance system nito sa national clearance system sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga local government unit at Department of the Interior and Local Government (DILG).
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY