Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine matapos makatanggap ng mensahe ang tanggapan ni Mayor TobyTiangco mula sa mga residente na gustong-gusto ng mabakunahan subalit wala pang mga natatanggap na schedule. (JUVY LUCERO)
Upang mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine ay inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Navotas City ang walk-in vaccination sa lungsod.
Base sa sitwasyon ng lungsod, inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School.
“We did a trial yesterday and we were able to inoculate 244 of the 300 target vaccinees. We were glad of this turnout and decided to implement the system in three other vaccination sites”, ani Mayor Tiangco.
Sinabi naman ni Tiangco na nakatanggap ng mga mensahe ang kanilang tanggapan mula sa mga residente na gustong-gusto ng mabakunahan subalit wala pang mga natatanggap na schedule.
“By offering a walk-in system, those eligible and interested could avail of the vaccine at the soonest and as of now, we have four vaccination sites. Three can accommodate 300 scheduled vaccinees and 150 walk-ins. One is solely for 300 walk-ins”, dagdag pa ng alkalde.
Hinikayat naman ni Tiangco na ang may gusto na makatanggap ng bakuna ay kailangan magparehistro sa https://covax.navotas.gov.ph/.
“We can accept only those listed in our NavoBakuna COVID-19 vaccination program. This is why we always remind the public to have themselves registered, including all their family members aged 18 and above”, paliwanag ni Tiangco.
Samantala, ang Kaunlaran High School ay kayang i-accommodate ang 150 seniors mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at 150 persons na comorbidity simula ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon at ang vaccination ay maibibigay sa mga maaga at unang darating dahil sa first come, first served basis ang walk-in vaccination system.
Habang ang mga comorbidity ay kailangan magdala ng medical certificate within 18 months, prescription for maintenance medicines within six months, hospital records, surgical or pathological records, or doctor’s clearance.
Sa kabilang banda ang San Jose Academy, Tumana Health Center at Tanza Health Center ay tatanggap ng 150 walk-ins simula ng ala-1:00 ng hapon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY