November 25, 2024

NTF-ELCAC HUGAS-KAMAY SA RED-TAGGING SA COMMUNITY PANTRY

Itinanggi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na may kinalaman sila para iugnay ang mga organizer ng community pantry sa kilusang komunista.


Sa isang panamayan sa TeleRadyo ng ABS-CBN, sinabi ni NTF-ELCAC spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., walang ginagawang ‘red-tagging’ ang task force sa community pantries at sa mga organizer nito.

 “No, haka haka yan ng ibang grupo na malilikot ang mga utak, giit ni Parlade.

Ayon kay Paralde, inaalam lang daw ng counter-insurgency task force ang sitwasyon sa community pantries upang masiguro na walang ibang agenda ang mga organizer nito.
 “I don’t want to use the word profiling kasi masyadong controversial yan sa mga ibang tao, what we’re saying is we’re just checking kung ano ‘yung ginagawa, kung anong sitwasyon sa mga community pantries na ito,” wika niya.  “We’re just checking kung sino itong mga nag-oorganize nito to make sure na walang agenda,” dagdag pa niya.

Dagdag ni Parlade na naalerto ang ilang netizen at hiniling sa NTF-ELCAC na i-chek ang community pantries, kung saan may mga nakarating na report na mayroong “agitation” at propaganda materials” sa ilang pantries.

Ang mga nag-alert sa amin ay mga netizens mismo, they’re informing us na may ganitong activity dito sa aming community. Paki-check po kasi bakit sila mayroon silang mga karatula na kung anu ano, may agitation, may mga propaganda materials dito paki-check po kung sino itong mga ito,” ani Parlade.