Tila maikukumpara ang abilidad ng netizens sa miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine National Police (PNP) dahil mabilis nilang natukoy ang pagkakilanlan ng isa sa mga babaeng lumimas ng pagkain sa community pantry sa Bo Kapitolyo, Pasig City kahapon.
Kahit naka-mask, nakilala pa rin ng netizens si Maricar Adriano na tumangay ng dalawang tray ng itlog.
Nang tanungin, idinahilan nito na ipamimigay niya sa kanyang kapitbahay.
Dahil dito, kaliwa’t kanang batikos at mga nakakainsultong memes ang inabot ni Adriano sa sambayanang Pilipino na kumokondena sa kanyang maling nagawa.
Maging ang kanyang mister ay nadamay sa pang-iinsulto dahil nagtatanong ang publiko kung wala bang itlog ang kanyang mister kaya naatim niyang iuwi ang dalawang tray ng itlog?
Ani pa ng isang netizen, bagay daw silang magsama ni “Lugaw Queen” na kamakailan lang din ay nag-viral dahil sa “non-essential” ang lugaw.
Mas marami sana ang nakinabang sa mga pagkain kundi umiral ang pagkagahaman ni Adriano at kanyang mga kasama.
Ang insidente rin ang naging dahilan para dumami ang bilang ng mga nagbibigay ng donasyon para sa itinatag ni Carla na community pantry na may layuning mabigyan ng libreng pagkain ang ating mga mahihirap na kababayan na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY