December 23, 2024

Multi-sector COVID-19 info drive ni Cayetano

NANAWAGAN si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa iba’t- ibang sektor na magbuklod upang maliwanagan ang publiko kaugnay ng  COVID-19 pandemic at mga epekto nito.

Ayon kay Cayetano, makikinig naman ang nga tao sa kanilang mahal sa buhay at lider ng komunidad kapag ang impormasyon ay tungkol sa COVID-19.

“Extraordinary ang problema kaya dapat extraordinary din ang solusyon,” aniya. “Kanino ba nakikinig ang tao? So, una, sa kanilang magulang. Pangalawa, sa kanilang teachers. Pangatlo, sa kanilang mga religious leaders, sa pari, ministro, imam, pastor. (At) sa media. So, dapat talaga multi-sector.”

Hinimok ni Cayetano ang national government na makipagkapit-bisig sa iba’t-ibang stakeholders sa pagpapaliwanag sa COVID-19 sa publiko ang kahalagahan ng pagtalima partikular sa  minimum health protocols.

“Ang national government, dapat lapitan ‘di lang ang ang mga ahensiya nito

kundi ay tulungan na multi-sector yung approach natin, and patiently explain what kind of virus is this, paano nakakahawa, bakit importante na gawin natin ito.These efforts will only prosper if they are supported by the distribution of financial aid.” esplika ng Mambabatas.

“Kahit anong paliwanag mo, kung ang tao ay gutom, walang kinakain, walang trabaho, walang kinikita nagsara o magsasara ang negosyo niya, hahanap at hahanap ng paraan para kumita ‘yan,” aniya.

Noon pang  Pebrero1 naghain si Cayetano at kanyang mga kasangga sa Kongreso ng 10k Ayuda Bill na naglalayong ipamahagi ang  P10,000  sa bawat pamilyang Pilipino.

Sinabi pa ng dating  Speaker na ang pagkakaloob ng  ayudang pinansiyal sa pamilyang Pilipino ay krusyal  sa pagbabago ng publiko ng kanilang  kustombre sa gitna ng pandemya .

“Kailangan talaga natin ng transformational change, yung nagbago talaga ang pagkilos natin lahat,” he said. “Magagawa natin ‘yan kung isasabay natin yung tulong sa ekonomiya o yung tulong sa kabuhayan doon sa direksyon sa medikal,” ani pa Cayetano.., MISMO!