Mahigit sa 57,000 indibidwal sa Bicol Region ang inilikas dahil sa bagyong Bising, kahit na ito’y bahagyang humina at bumagal kahapon.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 57,793 o 15,852 pamilya ang inilikas dakong alas-7:00 ng gabi nitong Linggo.
Sa bilang na ito, 35,054 ang inilikas sa Albay, 3,251 sa Camarines Sur, 19,999 sa Catanduanes at 369 sa Sorsogon.
Natengga naman ang 851 pasahero sa seaports, 11 bus, 176 truck, 103 light vehicles at pitong sea vessels. Samantala, umabot sa 173 pasahero ang na-stranded sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Putiao, Pilar sa Sorsogon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY