Magsasampa ng criminal charges ang Department of Justice (DOJ) dahil sa 17 katao dahil sa game-fixing. Kabilang dito ang isang team ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019.
Batay sa Presidential Decree (PD) No. 483 na inamendahan ng PD 1602, punishable ang game-fixing sa sports contest. Kabilang na ang point shaving at iba pang machinations.
Ayon sa Office of the Prosecutor General (OPG), ang asunto ay isasampa sa trial court sa Batangas. Gayundin sa Angeles,Caloocan, Malolos,Muntinlupa, Pasig at Pasay City.
Ang sasampahan ay ang SOCCKSARGEN Marlins team. Ito’y kinabibilangan nina coach Ferdinand Melocoton dahil sa 4 counts o game-fixing.
Gayundin ang 12 players nito na sina Jake Diwa, Jerome Juanico, 14 counts. Exequiel Biteng, 13, Matthew Bernabe, 12, Julio Magbanua at Abraham Santos, 10 counts.
Ryan Regalado, 9 counts, John Patrick Rabe,7, Janis Lozada, Ricky Morillo at Joshua Alcober na may tig 1 count.
Sasampahan din ang Quezon City Capitals coaching staff member Serafin Matias dahil sa 7 counts. Sonny Uy, 9 at Chinese nationals na kilala lamang bilang si ‘Mr. Sung Kein’ ng 14 counts. Gayundin si Emma Meng 1 count.
Ang complaints naman sangkot ang 17 counts of betting at multiple counts ng point shaving ay na-dismissed dahil sa ‘insufficiency of evidence’.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo