Pumayag ang mga teams ng Premier Volleyball League (PVL) na iurong ang petsa ng 2021 Open Conference. Napagpasyahan nilang ikasa ito sa second half ng taon.
Target ng liga na simulan ang torneo sa last week ng June. O kaya’y sa first week ng July.
Ang pasya ay pinagtibay matapos ang idinaos na meeting ng league officials. Mainam naman sa teams ang resulta ng pagpupulong na pinangunahan ni president Ricky Palou.
Makabubuti aniya ito upang magkaroon pa ng mahabang panahon ang mga teams na magsanay. Natigil kasi ang training ng mga teams matapos ikasa ang NCR Plus sa ECQ at MECQ.
“We decided to do this to give ample time for the teams to train as a team as the training of the teams was disrupted when the government agencies agreed to place NCR, Laguna, Rizal, Cavite, and Bulacan under ECQ and now MECQ.”
Ayon pa kay Palou, naghahanap din ang liga ng ibang areas na pagdarausan ng torneo. Kagaya ng Subic bilang host sakaling ang Laguna ay mananatili sa ilalim ng MECQ.
Una nang ikinasa ang opening ng Open Conference sa last week ng May. Ngunit, sinuspende ng Games and Amusement Board ang ilang batch ng trainng noong March 29.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo