Ipinatawag na ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon sa kagawaran, ito ay upang magpaliwanag ang Chinese envoy sa ilegal na presensiya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
Iginiit ni DFA Acting Undersecretary Elizabeth Buensuceso kay Huang na kabilang ang Julian Felipe Reef sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ang patuloy na presensiya anila ng Chinese vessels ay nagdudulot ng regional tension.
“Acting Undersecretary Buensuceso stressed that the 12 July 2016 Award in the South China Sea Arbitration ruled that claims to historic rights, or other sovereign rights or jurisdiction that exceed the geographic and substantive limits of maritime entitlement under UNCLOS, are without lawful effect,” saad ng DFA.
Dagdag pa nito, “On the untoward statements of the Chinese embassy spokesperson on Defense Secretary Lorenzana, the Chinese side was reminded of proper decorum and manners in the conduct of their duties as guests of the Philippines.” Muling iginiit ng kagawaran sa China ang pagpapaalis ng lahat ng Chinese vessels sa bahagi ng Julian Felipe Reef at iba pang maritime zones ng Pilipinas.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE