MARUBDOB na programa para sa mga pambatong pingpongers sa bansa ang ilalatag ng pamunuan ng Philippine Table Tennis Federation, Inc. sa paghupa ng mataas pa ring antas ng pakikibaka ng sambayanan sa pandemyang Covid-19.
Sa patuloy na pagtupad ng pangarap na muling maka- produce ng Pilipino Olympians , isasakatuparan ng PTTFI sa pamumuno ni Pres. Ting Ledesma katuwang si VP Arnel Berroya at mga stakeholders ng naturang sport sa buong kapuluan.
Tampok ng pagkuha ng serbisyo ng mga eksperto sa larangan mula sa powerhouse China upang mai- share ang kanilang expertise sa mga Pinoy pongers partikular sa mga miyembro ng pambansang koponan.
Labis na ikinagalak ng Olympic hopeful – ang Bacolod pride na si Rose Jean Fadol.
Tinatayang si Fadol pa rin ang may brightest future na mag- qualify sa susunod na edisyon ng Olimpiyada bagama’t nabigo ito ng ga- buhok na mapasabak sa Tokyo Olympics ngayong taon sa Japan.Kinapos siyang umusad sa Doha world qualifying matapos yumukod sa ranked Ukrainian tablenetter sa semifinals.
Positibo ang naging pananaw ni Fadol sa naturang kabiguan dahil alam niyang matutupad pa rin ang kanyang pangarap di man sa Tokyo Olympiad kundi ang susunod na edisyon ng kada-4 na taong biggest sports spectacle sa daigdig dala ang motibasyong matupad ang naging achievement ng Pinay Olympian at table tennis superstar na si Yanyan Llariba.
Naging barometro rin ng Ilongga pride ang kanyang performance upang maging pamantayan ng kanyang pag-asang maka-medalya rin sa Vietnam SEAGames ngayong Disyembre 2021.
” Iyon naman po talaga ang pangarap ko.Kinapos man po ako sa Doha qualifying para sa Tokyo Olympics , pero tuloy lang ang laban,”optimistikong pahayag ni Fadol. “Magandang opportunity yun nakasali ako dun at na-represent ko ang country natin , nakalaban ko ang isa sa pinakamataas ng world- ranked player sa table tennis at umabot ako sa semifinals.”
Nagpapasalamat si Fadol sa suporta at tiwala sa kanya ng pamunuan ng kanilang NSA pertikular kina Pres.Ledesma,Philip Uy,sa PSC at sa POC.
” Ikinagalak po namin ang magandang programang inilahad ni Sir Ting.Kukuha po sila ng players galing China para makasama namin sa training,pati sparring para mas lalong ma-improve ang skills namin”,ayon pa sa produkto ng FEU table tennis program. “Ang isa pang malaking programa ay ang paneguro ni Sir Ting na madaragdagan ang aming international exposures matapos ang pandemya”.
Ayon naman kina Pres.Ledesma at VP Berroya- sa pagkakaisa ng lahat sa table tennis community at sa suporta ng pamahalaan at pribadong sektor, ang kanilang pangarap na glorya sa larangan ay isang mission possible…
ABANGAN!!!
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY