November 23, 2024

NCR MAYORS KASADO SA PINAIKLING CURFEW

Pumayag ang 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) na ipatupad ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga matapos na isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila simula Abril 12 hanggang 30.

Ang bagong schedule ng curfew ay mas maikli kumpara sa pinatupad na 6 p.m. hanggang 5 a.m. noong isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR at apat na katabing lalawigan

“Meanwhile, authorized persons outside residence (APOR) are still exempted from the curfew provided they show proof of identification or certificate of employment to authorities,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

Sinabi naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na pumayag siya sa pinaikling curfew para “united buong Metro Manila.”