November 24, 2024

PH ROWERS, NAGHAHANDA PARA SA OLYMPIC QUALIFIERS MEET SA MAYO 5-7 SA TOKYO

Sinabi ng isang member ng national rowers na si Melcah Jen Caballero ang lagay ng kanilang pagsasanay para sa olympic qualifying bound sa susunod na buwan .

Ayon sa isa sa limang Olympic hopefuls, karaniwang nagsasagawa sila ng indoor training. Ito’y dahil sa ang Metro Manila at kalapit  na  lalawigan ay nasa ilalim ng ECQ.

Kung kaya, malaki ang epekto nito sa kanilang paghahanda para sa olympic qualification.

 “Kami lang mga Olympic hopeful ang nakapag-training, single lang sa bangka po, kaya na-allow naman. Malapit na rin po kasi ang qualifying,” sabi ng double gold medalist ng 2019 SEA Games.

Lalahok ang national rowers sa  ilang torneo sa susunod na buwan para magkaroon ng tiket sa Olympics.

Ang Asia at Oceania Continental Qualification Regatta ay naka-  scheduled sa May 5 hanggang 7 sa Tokyo.

Bukod kay Caballero, isasalang din ng bansa si Zuriel Sumintac, Roque Abala, Joanie Delgaco at Cris Nievares.Bukod sa paglalahad ng lagay sa kanilang training, nakansela rin ang ilang actual tournaments dahil sa pandemic.

Ilan sa mga ito ay nauwi sa virtual. Kabilang ang 2021 World Indoor Rowing Championships nitong Marso.

Kung saan, pumuwesto si Caballero fourth place sa lightweight women’s 500 meters.Samantalng 10th naman si Delgaco women’s U23 500m.

 “2019 pa po last race namin sa water, Pero nasimulan na rin po namin ‘yung preparation sa qualifying. Kaya gusto rin po naming tapusin nang maayos,” ani Melcah.