Ikinagalak ni coach Yeng Guiao ang pagpili sa kanya bilang mentor ng bubuuing select team. Siya kasi ang top choice na maging coach para rito.
Ang team na ito ay pangarap ni PBA Chairman Ricky Vargas na asembulin upang sumagupa sa China. Balak kasi ni Vargas na magkaroon ng series of exhibition matches bago simulan ang PBA 46th season.
Ang format nito ay best-of-seven kung saan ang pipili ng matitikas na players sa PBA para sa bubuuing line-up.
Naniniwala rin ang TNT Chairman na si Vargas na si Guiao ang fit para magtimon dito. Ito ay dahil aniya sa pagiging tactician ng NLEX Road Warriors coach.
“Actually we were in touch even before he announced that. Sabi ko. okay sa akin yun,” sabi ni coach Yeng.
“I’m flattered, ako yung nasa isip ni Chairman Ricky. I’m flattered that he had me on top of his choices.”
Kung matatandaan, si Guiao ang nagmentor sa national team na lumaban sa Chinese squad sa 2018 Asian Games. Na karamihan sa players ng team ay mula sa Rain or Shine, kabilang si NBA cager Jordan Clarkson.
Lumaban ng matindi ang Gilas ngunit nabigo sa iskor na 80-82. Nagtapos lamang ang national team sa fifth place sa nasabing torneo.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo