November 24, 2024

Valenzuela Mayor nabakunahan na kontra COVID-19

Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod.

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 o ang unang priority group na makatanggap ng COVID-19 vaccine, pa-unawa na ang mga local chief executives ay itinuturing na essential frontliners na inihayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).


“Matagal niyo na naririnig na lahat tayo maging bahagi ng solusyon laban sa COVID-19… Bilang indibidwal eto ‘yung contribution niyo sa paglaban sa COVID-19. Katulad ko… Ang ginamit ko na bakuna ay Sinovac, wala naman akong nararamdaman na hindi maganda. Normal na normal. So huwag tayong matakot,” sinabi ni Mayor REX matapos matanggap ang kanyang unang dose ng Sinovac.

“Basta FDA approved ang bakuna, it doesn’t matter which brand you use. Ang importante magpabakuna tayo,” dagdag niya.

Noong Marso 31, ang bilang ng mga eligible frontline health workers na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 mula sa Department of Health (DOH) ay nasa 4,571, na may 3,886 na indibidwal sa unang dosis na umabot sa 85%, at 49 indibidwal naman ang nakumpleto na ng pangalawang dosis ng bakuna.


As of April 7, Valenzuela City records 1,006 active COVID-19 cases Total of confirmed cases in the City are at 13,883 with 12,537 recoveries and 340 deaths.

Muling nagpaalala sa lahat si Mayor Rex na magparehestro sa www.valtrace.appcase.net, na ang pagpabakuna ay isang simula tungo sa isang ligats na komumidad. “Ang panawagan ko sa inyo — Huwag na tayo magalinlangan, magpabakuna na tayo. Para sa kaligtasan niyo ito, ng inyong pamilya, at ng sambayanang Valenzuelano.”