Sumalang si ex-heavyweight boxing champion Mike ‘Iron’ Tyson sa wrestling ring. Ito’y matapos ang kanyang comeback fight laban kay Roy Jones Jr.
Katunayan, lumabas siya sa episode ng AEW Dynamite para tapatan ang WWE para sa giyera sa ratings. Tinulungan niya si Chris Jericho. kasama ang iba pang bidang wrestlers na member ng ‘Inner Circle’. GInugulpi kasi ang tinaguriang “Y2J’ sa ring.
Una nang lumabas si Tyson sa AEW Double or Nothing. Kung saan, pinunit niya ang kanyang shirt bago iprinisenta si Cody Rhodes tangan ang TNT Championship belt.
Ayon kay AEW president at ulham co-owner Tony Khan, marami aniyang rason para gusto niyang bumaik si Tyson.
“He made a huge impact last year at Double or Nothing, and we’re at a point where we can bring him back in front of our fans,” wika nito sa Sports Illustrated.
“The fans who have come to the shows in Jacksonville have added so much to AEW, and it’s important for me that our fans get to see him live. We’re excited to have Mike back.”
“This is going to be a big deal. With Mike coming to town, he’s going to have a real impact on Dynamite.”
Kaugnay dito, idaraos din ng AEW ang first-ever non televised event sa Biyernes ( Sabado PH time) sa Florida. Sa nasabing estado rin idaraos ang Wrestlemania 37 ng karibal nito na WWE.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo