Bukod kay Thirdy Ravena ang Ateneo Blue Eagles, isa rin si Phoenix Fuelmasters Pulse forward Calvin Abueva sa nakatanggap ng offer na maglaro sa Japanese B League.
Katunayan, galak na nagpost ang tinaguriang ‘ The Beast’ sa kanyang Instagram account ang tungkol sa offer.
“Good am Calvin, pls call me. May offer sa Japan B. League,” saad sa mensahe kay Abueva.
Ang 32-anyos na Kapampangan cager na si Abueva ay naharap nasa indefinitely suspension na ipinataw sa kanya ng PBA pagkatapos na maharap sa hindi kaaya-ayang insidente noong nakaraang taon; na nakasisira sa imahe ng liga.
Makalipas ang halos isang taon, inalis ng PBA ang suspensiyon. Gayunman, kailangang sumailalim si Abueva sa psychological tests upang makumpleto ang requirements na hinihingi ng liga.
Kaugnay sa offer na makapaglaro sa Japan, wala naman magiging komplikasyon kung sakaling kagatin ni Abueva; dahil malapit nang matapos ang kontra niya sa Phoenix Fuelmasters.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!