Naka-exhibit ngayon sa art gallery sa Tandang Sora ang mga obra ng mga de-kalibreng artist sa bansa.
Ang naturang art gallery ay pagmamay-ari ng batikan at mahusay na OPM artists na si Ka Heber Bartolome ng grupong “Ang Banyuhan ni Heber”.
Kabilang na rito ang mga artworks ni Hermisanto at Pancho Piano.
Ilan sa mga paintings ni Pancho Piano (na mahusay sa acrylic) ang nakalagak sa gallery ay ang Magayon(2015), Urban Lanscape (2017), Celebrations (2015), Romancing Motions 1(2019) at Mayon Impressions I & II (2011).
Si Hermisanto naman ay isang markadong multimedia artists sa kanyang mga experimental works sapol noong 70’s. Nag-aral ng College of Fine Arts sa University of the Philippines mula 1967-1974.
Ang kanyang unang one-man show ay may entitled na “Sinlikan ni Hermisanto. Siya ay miyembro ng elite Avant-Garde Group, Remedios Circle ( kung saan kasama niya rito sina Cesare at Jeanmarie Syjuco at Mars Galang. Gayundin sina Gus Albor, Lao Lian Ben at Roy Veneracion.
Noong dekada 90, karaniwan sa kanyang mga obra ay pawang installation, performance at conceptual art.
Gumagamit siya ng indigeneous elements sa kanyang mga artworks nang sumali sa indigenous art movement na itinatag ni Junvee at Pandy Aviado.
Since 2007, sinimulan niyang gamitin ang rice grain bilang bahagi ng kanyang obra at installations. Naniniwala siya na ang bigas ay ang real essense ng Asian spirit.
Kinatawan niya ang Pilipinas sa 2 ASEAM Art Festivals. Una ay sa First Artist Creative Interaction sa Thailand Cultural Center sa Bangkok noong 1992.
Ikalawa ay sa Asean Workshop Exhibition & Symposium Aesthetics sa Takashimaya Gallery sa Singapore noong 1995.
Nagsagawa na rin siya ng ilang exhibits at one-man shows. Kabilang sa mga markado rito ay ang ‘Sikat Pinoy National Art Fair’ sa SM Megamall.Gayundin ang “Dalawang Daan ni Hermisanto” sa Executive House sa UP Diliman at Lipa Medix Medical Center.
“Ang Hiwaga sa Palayan ni Hermisanto” sa Crucible Gallery at “Pasinlik ni Hermisanto” sa Madrigal Art Center.
“Fire Dancer” at Paperworks Exhibit” sa Sydney, NSW Australia, “ Love Out Love” sa Cultural Center of the Philippines at “Linkia” sa Ayala Museum.
Hanggang sa ngayon, patuloy ang inobasyon ng mga obra ni Hermisanto.
More Stories
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
560th Air Base Group’s Civil-Military Operations Transform Lives Across Cebu