November 24, 2024

LALAKING SANGGOL ISINILANG NA MAY TATLONG ARI

Isinilang na ang isang baby na may tatlong ari, ayon sa doktor ito ang unang kumpirmadong kaso sa kasaysayan ng tao.

Humingi ng medical attention ang magulang ng tatlong buwang sanggol, mula sa Iraq, matapos mapansin namamagang scrotum at “skin projections” ng bata.

Matapos ang isang pagsusuri, nalaman na ang “skin projections” ay dalawang pang ekstrang penis ng baby, ayon sa mga doktor sa isang pag-aaral na inilabas sa International Journal of Surgery Case Reports.

Ang pangalawang penis ay may haba na 2cm ang haba at nakakabit sa ugat ng unang ari ng sanggol.

Habang ang ikatlong penis ay may habang 1cm at nasa ilalim ng scrotum.

Inalis na ng mga doktor ang dalawang ekstrang penis ng baby dahil wala itong mga urethra.

Nakarekober naman ang sanggol na walang masamang epekto.

Ito na ang unang kaso ng Trpahallia (tatlong ari) na naitala sa kasaysayan ng mundo.

“Triphallia is unreported condition in human until now,” ayon sa mga doktor na sina Shakir Saleem Jabali and Ayad Ahmad Mohammed.

“Patients with supernumerary penises have unique presentation and no cases are identical.”