November 23, 2024

MGA PANGYAYARING WALA SA EKSENA NG PELIKULANG THE TEN COMMANDMENTS (Last Part)

Atin pong natalakay sa nakaraan ang tungkol sa mga maling istorya na ginawan ng eksena sa pelikulang The Ten Commandments ni Cecille B. De Mille.

Ang naturang pelikula’y sumasaklaw sa pangyayari mula sa pagkakaalipin ng Israel sa Egipto sa loob ng 400 taon.

Ang kanilang gipit na kalagayan ang pagsilang at pagkakasugo kay Moises upang sila’y pangunahan sa pag-alis sa Ehipto, ang kanilang paglalakbay sa ilang  hanggang sa tanggapin ng propeta ang sampung utos sa bundok ng Sinai ang kanilangh 40 taong paglalakbay sa ilang patungo sa lupain ng Canaan na siuang lupaing pinangakong ibibigay sa kanila ng Diyos, at  hanggang sa siya’y (Moises) mamatay.

Kung inyong napanood ang pelikula, halos gumugol ng isa’t kalahating oras tumakbo ang eksena ng pelikula sa pagmamalagi ni Moises sa Ehipto.

Kaya, may mga pangyayari tuloy na hindi nagawan ng eksena sa pelikula na lubhang mahalaga kung napasama ito sa ikakaganda pa ng pelikula. Ngayon ay ating iisa-isahin ito.

Kulang ng 6 ang sumatotal na 10 salot na sumalanta sa Egipto– Sa naturang pelikula, ang salot na naipakita lamang ay naging dugo ang tubig, pag-ulan ng granizo, pagkadilim sa buong Ehipto at ang pagkamatay ng mga panganay. Hindi nagawan ng eksena ang salot ng palaka, kuto, langaw, pagkapeste ng mga baka, at salot ng bukol.

Hindi rin nagawan ng eksena ang mapait na tubig sa Mara dahil mapait. Dito ay pinagsalitaan ng Diyos si Moises na ihagis ang isang puno ng kahoy kung kaya ang tubig ay tumabang. (Exodo 15: 23-25).

Ang pagkakaloob ng pugo at mana (Exodo 16:1, 16:21-22), Ang tubig mula sa bato sa Rephidim (Exodo 17:1), Ang pkikipaglaban ng mga Israelita kay Amalec na kung saan kapag nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang Israel,.Kapag nakababa dahil sa pangangalay ay natatalo sila. (Exodo 17:11).

Muling napasa bundok Sinai si Moises upang tanggapin ang kapalit ng dalawang tapyas na bato na sinira ni Moises. At pagkababa niya mula roon ay nagliliwanag ang kanyang mukha. (Exodo 34:1-2, 34:29).

Pagtatayo ng tabernakulo at ang ulap sa ibabaw nito  Exodo 40:1, 40:34, Bilang 9:15),  Pagpapadala ng 12 tiktik sa Canaan ( Bilang 13:1), Si Balaam at ang asno ay sinalubong ng anghel ng Panginoon ( Bilang 22:21-22).

Ang ahas na tanso. Nang ang mga Israelita’y naglakad mula sa bundok Hor upang ligiran ang lupain ng Edom. Nainip ang buong bayan sa paglalakbay at pagkauhaw.  At sila’y nagpulong laban sa Panginoon at kay Moises.

Dahil sa kanilang pag-upasala, nagpadala ng mababangis na ahas sa gitna nila at marami ang kinagat at namatay.

Pagkaraan, nagsisi sila at si Moises ay pinagawa ng Diyos ng isang ahas na tanso at sinabihang ipatong sa isang tikin. Ang sinumang titingin dito ay mabubuha, ang hindi  tumingin ay mamamatay. (Bilang 21:4-9).