November 24, 2024

JAJA SANTIAGO, 1 TAON PA SA SAITAMA, 3 BANSA NAG-ALOK DIN NA KUNIN ANG KANYANG SERBISYO

Nais ni volleybelle Jaja Santiago na maglaro pa ng 1 taon sa Saitama Ageo Medics. Ito ay para sa 2021-2022 Japan V. League Division 1.

Lalo na’t inalok siyang ng team na maglaro uli sa susunod na season.

Kinausap na rin ako ng team ko nung Tuesday afternoon na bumalik ako sa team. Happy naman ako sa team, comfortable ako sa team namin para ngang regular na Japanese na ko. So why not na makabalik. Hopefully, makabalik ako by August,” aniya.

Ito’y sa kabila na may natatanggap siyang alok na maglaro sa China, Taiwan at Turkey.

I think, I am going to stay sa Ageo for one last year. I have a lot of plans and opportunity for next season but then it’s still pandemic,” sabi ng 6-foot-5 middle blocker.

Sinabi rin ng former NU Lady Bulldog at ngayo’y player ng Cherry Tiggo ang tungkol sa alok sa Taiwan league.

Aniya, mag-uumpisa ang liga sa Mayo. Pero, conflict ito dahil maglalaro siya sa PVL. Kaya, hindi niya tinanggap.

Bumalik sa Pilipinas si Jaja noong Miyerkules at kasalukuyang sumasailalim sa 6-day quarantine sa Vivere Hotel sa Alabang.

Ang 25-anyos na si Santiago ay naging first Filipino volleyball player na nagkampeon sa isang foreign league. Ito’y nang magchampion ang Ageo Medics kamakailan sa Division 1 ng Japan V. League.