Excited na si Cignal HD Spikers team captain Rachel Anne Daquis na maglaro sa PVL 2021 Open Conference sa Mayo.
“Para sa mga fans kaya tayo excited at gigil maglaro,” turan pa ng isa sa darling o the crowd volleybelle.
Pinasasalamatan ni Daquis ang mga fans na patuloy na sumusuporta sa team. Aniya, yung mga die hard fans nila na pinapanood sila sa PSL.
Ngayong nasa Premier Volleyball League na sila, ibubuhos nila ang laro para sa kanila.
“Para sa amin, maglalaro kami for the fans din. Dahil sobrang sinuportahan bila kami kahit saan mang liga.”
“Ngayong buo na kami as one, mas excited sila dahil hindi nila ine-expect, na yung favorite rivalries nila nung college, magkikita-kita rin in one league,” saad ni Rachel.
“Sobrang happy din ako sa Cignal. Kasi, talagang binuo nila ako as a player. Tinulungan nila ako para ilabas lahat ng talents ko. Lahat ng capabilities ko.”
Kaugnay sa Open Conference, ibinahagi niya at ng kanyang teammate na si Myla Pablo ang development sa kanilang training.
Kakampi rin ng tinaguriang “RAD” si cute libero Jheck Dionela, Ranya Musa, Ayel Estrañero at Norielle Ipac.
Excited na rin ang lady HD Spikers na makatrabaho ang bagong head coach ng team. Ito ay si coach Shaq De Los Santos.
“ Sobrang thankful ako sa Cignal management, especially sa mga bosses naming or the confidence ad trust na ibinigay nila sa akin,” ani coach Shaq.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo